Tabi Po: Ang kwento ng isang aswang

Shifting vernacular.

Habang naghahanap ng magagawa sa kalawakan ng internet, napadpad ako sa isang pahina galing sa isa sa mga kawil mula sa isa sa mga kaibigan ko sa Facebook na nagtatampok sa mga lokal na gumuguhit ng mga komiks. Naglabas kasi sila ng isang ebook ng isa sa mga webcomics nitong nakaraang Readers’ Convention. Kahit na inaantok, naisip kong silipin na muna kung ano ang istilo ng pagguhit na ginagawa. Kaagad napukaw ang aking atensyon kahit na naiidlip na talaga ako.

Ang pamagat ng kwento ay Tabi Po. Likha ito ni Mervin Malonzo. Kwento ito ni Elias, isang aswang sa kasalukuyang panahon ay kumakain ng buhay na manok sa perya. Nasa ika-unang aklat pa lamang ako at patuloy ko pa ring binabasa pero natutuwa ako sa istilo niya ng pagkwento at lalo na pagguhit. Naalala ko ang dalawang mangaka na paborito ko– Amano Yoshitaka at si Eiji Otsuka. Yung una, sa art form. Yung pangalawa, sa goriness.

Sa di malamang dahilan, lagi na lang ako napapako sa mga biswal na puno ng dugo at karahasan. May kakaibang ganda rin ang makakita ng elemento ng kababalaghan at nakakatakot na mga nilalang, ngunit sa pormang sariling atin. Nahumaling tuloy akong lalong kalkalin at basahin ng malaliman, kahit na may pasok nga pala ako bukas. Hehe.

Ito yung sample ng gawa niya. Ganda, di ba?

Image

misteryosang babae sa panaginip ni Elias

Ang nakakaaliw pa, ang mga pangalan nila ay hango sa mga akda ni Jose Rizal– Noli at ang El Fili. Nakikilala ko pa lang ay si Elias, Isabel at Tasyo pero may nahagip akong Simoun (baka sa mga susunod na yugto) kaya nasasabik na ako makita ang susunod na pahina.

Gagawa ako ng maayos na rebyu pag natapos ko na yung 2 libro. May aabangan na tuloy akong bagong komikero sa mga susunod na mga Komikon. 😀

Advertisements

About chocolatedazed

I am currently a researcher who is curious and fascinated about human nature. I am a cat, chocolate, caffeine, book and nature lover. I also like music-- most of them, anyway. A Filipino at soul and heart but likes Japanese language and culture. Bookworm, iska, techie and sometimes just plain crazy. I write to let my thoughts out so they won't haunt me before I sleep. Halong diskurso, personal na buhay, wala lang, obserbasyon, pag-uulayaw ng akademiya at interes, konting politikal (kahit na di naman ako ganun kabihasa). Lahat pang-araw-araw na nakikita sa sipat ng aking balintataw.

2 thoughts on “Tabi Po: Ang kwento ng isang aswang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s